9.19.2011

life's a bitch.. it will fuck you for free..

it is such a beautiful world.. weh..? di nga..?

oo.. kay sarap isipin na nabubuhay tayo sa isang mundo na puno ng pagmamahalan, bubuyog, paruparo, bulaklak at bahaghari.. pero bakit ganito ang mga balita..? batang babae ni rape bago pinatay.. batang babae pinatay bago ni-rape..  mga batang na lansangan nagbubukas ng taxi  para mang-snatch at nanununtok ng driver na pangit.. mga batang nagpaparkour para makapagnakaw ng cellphone.. mga bantang buntis.. mga batang nagdodroga sa hagdanan  ng MRT sa cubao station.. mga batang nakikipag cybersex para kumita.. mga batang namumulot ng basurang tinapon mo sa estero.. mga batang nakukuryente dahil kinukuha ang tanso ng mga powerlines ng meralco.. mga batang ninanakaw ang baril ng tatay nilang pulis para patayin ang syota nilang malindi pa sa higad sa loob ng classroom tas magpapakamatay para my chemical romance kunwari..


bakit ganito..?
dahil ba sa kahirapan..? eh bakit sila naghihirap..? dahil ba mahirap ang magulang  nila..? eh bakit mahirap ang magulang nila..? dahil ba dati silang mga adik..? eh bakit sila nag adik..? dahil ba nagrebelde sila sa magulang nila..? eh bakit sila nagrebelde..? dahil di sila naiintindihan at nabibigyan ng atensyon..? eh bakit di sila naiintindihan at nabibigyan ng atensyon..? dahil ba busy ang parents nila sa pangangaliwa at pagpapayaman..? eh bakit sila nagpapayaman..? para mabigyan ng baon ang mga anak nila na pambibili lang ng droga dahil nagrerebelde sila sa magulang nila kasi di sila nabibigyan ng atensyon..?

nagtatanong lang ako.. baka may nakaka-alam ng sagot..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

di ko alam kung tumatalino ang mga bagong henerasyon o bumubobo..
sabi ng isang propesor ko sa PUP.. "dapat mas matalino kayo sa magulang nyo.."
buti na lang di ko naging tatay si Einstein..
pero hangang ngayon pinipilit ko parin na mahigitan ang mga magulang ko..
balang araw magagawa ko din yun..
ilabyu ermats.. ilabyu erpats..
salamat sa pagpapalaki nyo saken at di ko kailangan makipag cyber-sex para kumita ng pera..
salamat sa pagpalo sa kamay ko nung tinuturuan nyo kong mag sulat..
salamat sa pagpigil saking manood ng cartoons hangat di ko pa tapos basahin ang A BA KA DA..
salamat nung sinabi nyong di totoo si robo-cop..
salamat nung sinunog nyo yung mga paborito kong street fighter na tex.. pero paborito ko talaga yun eh lalo na yung vega collection ko..

pero dahil sa pag didisiplina nyo sakin.. natuto akong magsulat.. magbasa.. wag mabuhay sa ilusyon.. at di masyadong maadik sa pagsusugal..

kaya lang nakuha ko din yung masasamang ugali nyo eh..
at balang araw magiging totoo si robo-cop..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
 

No comments:

Post a Comment